Sa Pharmally-POGO link kay Du30 RISA GUSTO LANG MAGPAPANSIN – PANELO

PARA kay dating presidential spokesman Salvador Panelo, isang malinaw na ‘media mileage’ ang intensyon ng pahayag ni Senator Risa Hontiveros na iniuugnay si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa kontrobersyal na Pharmally anomaly at illegal Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs).

Malinaw aniya na nais ni Hontiveros na mapakinabangan ang nasabing usapin para sa kanyang ‘political plans’ sa hinaharap.

“Her apparent intention is to malign the character of PRRD and at the same time she wants to be politically relevant and preparing to run for a higher office. She always want to be in the public eye for the name recall and media mileage,” ang naging pahayag ni Panelo sa isang kalatas.

Sinabi pa ni Panelo na si Hontiveros ay desperado sa pagkonekta sa dating Pangulo sa kontrobersyal na Pharmally at POGO, bagaman walang basehan.

Ipinagtanggol din ni Panelo si Duterte sa pagsasabing, hindi kailanman nasangkot ang dating Pangulo sa korupsyon.

Kapansin-pansin aniya na tila ginagamit na lamang ni Hontiveros ang kanyang komite para paratangan ang isang tao para sa publisidad. (CHRISTIAN DALE)

272

Related posts

Leave a Comment