PATULOY ang pangre-red tag sa mga kritiko ng gobyerno sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Ito ang paniniwala ni House deputy minority leader at ACT party-list Rep. France Castro kasabay ng pagkastigo kay National Security Adviser Eduardo Año dahil sa patuloy umano nitong pagpapalaganap ng disinformation at pangre-red tag.
Ginawa ni Castro ang pahayag matapos sabihin umano ni Año na “nobody is above the law” kaugnay ng pagkondena ng mga ito sa sentensyang ipinataw sa kanila ng Tagum City Regional Trial Court Branch 2 sa kasong child abuse.
“We know that Año’s former boss Rodrigo Duterte is still influential in Mindanao and that the NTF-ELCAC is hellbent on having us convicted on trumped up charges,” pahayag ng Castro.
Si Castro, dating Bayan Muna party-list Rep. Satur Ocampo at mga kasamahan ng mga ito sa tinaguriang Talaingod 18 ay unang sinampahan ng kasong kidnapping matapos kunin ang mga estudyanteng Lumad noong October 2018.
Naibaba sa child abuse ang kaso at matapos ang mahigit anim na buwang pagdinig, sinentensyahan ang grupo nina Castro, Ocampo at iba pa ng parusang apat hanggang anim na taong pagkakabilanggo.
Dahil dito, kinondena ng grupo ni Castro ang parusang ipinataw sa kanilang subalit nagbigay umano ng hindi katanggap-tanggap na pahayag si Año na nagsilbing Secretary ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
“It sends a dangerous message that those who help children against the harassment of the military, paramilitary and NTF-ELCAC will be punished. In this situation where the power and influence of red-taggers have become dominant, true justice is set aside,” pahayag ni Castro.(BERNARD TAGUINOD)
