Sa preemptive military ops sa Maguindanao 2 DAULAH PATAY; LIDER, 16 PA SUGATAN

BUKOD sa dalawang teroristang napatay sa isinagawang preemptive military operation ng mga tauhan ng  Joint Task Force Central at 6th Infantry (Kampilan) Division sa Sitio Patawali, Barangay Ganta, Datu Salibo, Maguindanao, may 17 pang sugatan kabilang si Daulah Islamiyah   leader  Abu Turaife.

Ito ang inihayag kahapon ni BGen. Eduardo Gubat, Acting Division Commander ng 6ID at JTF Central, matapos na  kilalanin ang mga napatay na sina Abdul Patir, miyembro ng BIFF-Karialan Faction at Sadam Salandang na kasapi ng  nasabing grupo sa ilalim ng isang alyas “Robot”.

Sinasabing base sa ground information, tinatayang may 17 sugatan sa grupo ng Dawlah Islamiya kasama ang lider na si Abu Turaife na namataang dala-dala ng kanilang patakas na mga kasamahan. (JESSE KABEL)

161

Related posts

Leave a Comment