Sa SIM Registration Law P4-M MULTA SA LALABAG SA DATA PRIVACY

(CHRISTIAN DALE)

MAHAHARAP sa multang mula P500,000 hanggang P4 milyon ang lalabag sa data privacy alinsunod na rin sa kamakailan lamang na nilagdaang SIM card registration Act.

Ito ang inihayag ni DICT Secretary John Ivan Uy sa Laging Handa public briefing sa gitna ng ginagawang pagbalangkas sa Implementing Rules and Regulations o IRR ng nasabing batas.

Ani Uy, kailangan lang na mai-outline kung anu-anong paglabag ang babagsak sa range ng penalty na ipatutupad ukol sa bagong batas kung saan ay tinitiyak na mapapangalagaan ang data privacy ng isang nagmamay-ari ng SIM card.

Responsibilidad aniya ng telcos ang pag- iingat ng anomang impormasyon ng kanilang subscribers.

Ang mga ito aniya ang primary repository ng anomang data ng isang subscriber lalo na ang post paid clients nila na ayon kay Uy ay matagal na nilang hawak.

Kaya kung may data leak man aniya na mangyayari ay may kailangang sagutin dito ang mga telcos.

123

Related posts

Leave a Comment