Alam nyo, hindi ako halos makatulog noong Linggo, hindi lang dahil sa pagputok ng bulkang Taal kundi iyung nasagap kong balita tungkol sa anak ng isang mayaman at maimpluwensyang negosyante.
Hindi pa naman ako sanay mag-blind item, pero eto hindi ko mabanggit dahil wala naman tayong nakuha pang pahayag mula sa pamilya.
Ang lumabas lang na balita, kritikal daw itong anak ng negosyante pero hindi nakumpirma na pumanaw na ito.
Wala na akong balita, pagkatapos naulat ito sa radio.
Hindi kasi napag-usapan nang husto dahil nakatutok lahat sa pagputok ng Taal.
Pero sobra akong apektado dahil nakilala ko ang batang ito, at sandali lang naman kami nagkakilala nakita kong napakabait niyang tao.
I cannot imagine a person who has everything in life, so young, so goodlooking, so sweet at nangyari ito sa kanya.
Nabasa nyo naman siguro sa Instagram ko, pero ayoko nang ikuwento pa rito dahil irespeto muna natin ang pananahimik ng pamilya.
Pero na-impress ako at feeling honored ako nang nakilala ko ang batang ito na napaka-polite, napaka-gentle.
Hindi mo akalaing gawin niya ito sa buhay niya.
Meron palang ganun?
Puwede pala mangyari sa ‘yo yan na kahit meron ka na lahat lahat, meron pa rin palang kulang sa ‘yo at nagiging mahina ka at napaka-implusive na magagawa mo yun sa buhay mo.
Hay naku! Life is really full of surprises. You will never know kung ano ang mangyayari sa susunod na mga araw, at kung ano ang magiging buhay mo.
Ang natutunan ko rito, no one and nobody will feel complete. Meron ka pa rin palang hinahanap to fill the void inside your heart. Hay nakaka-sad talaga!
Mabuti na lang survivor ang subject ng item na ito.
oOo
MOTHER LILY NASIRA ANG HOTEL DAHIL SA TAAL ERUPTION
Ang isa pang sobrang na-sad dahil sa pagputok ng Taal Volcano, si Mother Lily.
Nakausap ko siya sa telepono kahapon dahil naapektuhan pala nang husto ang kanyang Taal Imperial Hotel and Resort sa may Taal, Batangas.
Mayor kasi doon si Mayor Pong Mercado na dating nagtatrabaho kay Mother sa Regal Films.
Kuwento ni Mother; “Nasira na ibang bubong. Natakpan na ng abo, pati swimming pool ko umapaw na mga putik.”
Gusto man daw niya ipaayos agad, hindi naman puwede dahil hindi pa alam kung hanggang kailan ang pag-aalburuto ng Taal di ba?
“Laki na naman gastos para mapaayos yan,” himutok ni Mother Lily.
Balak pa naman daw niyang pumunta roon sa hotel niya noong Linggo pagkatapos nilang magsimba at mag-lunch ang buong pamilya.
“Pagkatapos namin mag-lunch sa bahay, nagyaya ako na pumunta run.
“Ayaw lang ni Roselle. Mag-Podium na lang daw kami.
“Buti na lang nag-Podium na lang kami, nagkuwentuhan kami dun kasama pa sina Annabelle (Rama),” kuwento pa ni Mother Lily.
Naku! Kung natuloy siya, eh di sana stranded daw siya roon.
Mahirapan siya tiyak na makababa ng Maynila.
Mabuti na lang at sumunod daw siya kay Roselle.
Pero ang isa pa sa inaalala ni Mother Lily ay ang mga taong nagtatrabaho raw sa hotel niya na tiyak apektado rin daw sila na nakatira rin doon sa Taal at mga katabing bayan.
Naawa rin daw siya kay Mayor Pong Mercado na humihingi pa ng dagdag na tulong na ma-evacuate niya ang mga tagaroon.
Kulang daw sila ng sasakyan para gamitin sa pag-evacuate sa mga tao, at kulang na rin daw ng pagkain, dahil wala na raw silang mabibilhan.
“Naawa nga ako kay Mayor Pong. Sana tulungan pa natin.
“Pakisabi naman kay Sen. Bong (Revilla) baka puwede siya tumu-long,” pakiusap ni Mother Lily sa akin.
