SABWATAN SA MALACAÑANG Muling lumutang sa ‘pagsibak’ kay Carlos

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM)

MISTULANG pagkumpirma sa mga naunang reklamo kaugnay ng pagkakaroon ng magkakasalungat na grupo sa loob ng Palasyo ng Malacañang, ang pahayag ni dating National Security Adviser (NSA) Clarita Carlos.

Ibinunyag ni Carlos na may sabwatan ng mga ‘unnamed persons’ para patalsikin siya bilang NSA.

Kalagitnaan ngayong Enero nang bigla na lamang ihayag ang pagbibitiw umano sa tungkulin ni Carlos na agad namang pinalitan ni dating DILG Secretary Eduardo Año.

Base sa naunang pahayag, ito ay dahil nagdesisyon si Carlos na ipagpatuloy ang kanyang scholastic endeavors nang sumama siya sa Congressional Policy and Budget Research Department (CPBRD) ng mababang kapulungan ng Kongreso.

Ngunit noong isang linggo ay nabunyag na bunga umano ng pagsasabwatan ng ilang indibidwal ang pagkakaalis ni Carlos sa NSA.

Kaugnay nito, ibinasura ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang nasabing usapin.

Ayon sa Pangulo, walang katotohanan na may may mga pwersa na kumilos para alisin ang retiradong propesor.

“I kept telling her, I don’t really think so, because they do not. And I guess she just found it too much na hindi niya — she didn’t enjoy her time in government,” ang pahayag ni Pangulong Marcos sa mga mamamahayag sa isang panayam.

“She didn’t enjoy her time in government, which is, you know, if we think about it, it’s not really surprising because that’s not her natural habitat. Her natural habitat is the academe, and so now, she will be in a think tank which is perfect for her,” dagdag pang paliwanag ni Pangulong Marcos.

Nauna namang sinabi ng Presidential Communications Office na patuloy pa ring isusulong ni Carlos ang kanyang scholastic endeavors.

309

Related posts

Leave a Comment