IPINADALA na ng kampo ni Vice President Sara Duterte ang sagot sa kanyang writ of summons na inilabas ng Senate impeachment court.
Bandang alas-5:49 ng hapon ng Lunes nang matanggap ng Senate impeachment court ang answer ad cautelam na dinala ng messenger na si Arnel Barrientos Jr. ng Fortun, Narvasa, & Salazar.
Sa 34 pahinang dokumentong ipinadala ng kampo ng Bise Presidente, iginiit nito ang pag-dismiss sa impeachment complaint sa dahilang lumabag ito sa one-year bar rule sa Konstitusyon.
(DANNY BACOLOD)
