PUMANAW ang SAKSI Ngayon photojournalist na si Itoh Son matapos makaranas ng paninikip ng dibdib habang nagkokober ng Traslacion bandang alas-3 ng madaling araw nitong Enero 9.
Ayon sa MDRRMO, isinugod si Son sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center, kung saan na-revive pa siya ngunit kalaunan ay binawian din ng buhay, ayon sa kumpirmasyon ng pamilya.
Binigyang-pugay ng pamunuan ng SAKSI Ngayon ang kanyang dedikasyon, tapang at propesyonalismo sa hanapbuhay.
Samantala, base sa tala ng Philippine Red Cross, umabot sa 298 katao ang nabigyan ng medikal na tulong sa Traslacion—karamihan ay may sugat, hirap sa paghinga, pagkahilo, at pagkawala ng malay dahil sa siksikan ng mga deboto.
(JOCELYN DOMENDEN)
47
