ISANG libong samples para sa Saliva RT-PCR pilot testing ang isasagawa ngayong araw ng Philippine Red Cross sa Mandaluyong City.
Sisimulan ng alas-1:30 ng hapon ng pamunuan ng Philippine Red Cross ang Saliva RT-PCR pilot testing para sa 1 libong samples sa Philippine Red Cross Logistics and Multi-Purpose Center sa Apo St., Brgy. Barangka Ilaya, Mandaluyong City.
Ito ay bilang pagtalima sa kahilingan ng Department of Health na magsagawa sa Saliva RT-PCR pilot testing, na mas mura sa swab test at mas mabilis ang paglabas ng resulta kaya agad malalaman kung positibo sa COVID-19 ang nagpapasuri nito.
Ayon sa PRC, nakukulangan ang DOH sa 200 na nagpapasuri kayat minarapat na dagdagan pa ang bilang ng mga nais na magpapasuri o sasailalim sa Saliva RT-PCR pilot testing.
Inaasahan na dadaluhan nina PRC chairman and CEO Sen. Richard Gordon, Dra. Paulyn Ubial Rossell at PRC staff and volunteers ang nasabing pagsusuri at maaari ring sumalang dito ang mga mamamahayag at frontliners. (KNOTS ALFORTE)
122
