NAGSANIB ng kanilang palad ang mga Senatorial candidate ng Alyansa para sa Bagong Pilipinas na nagpapakita ng kanilang pagkakaisa matapos ang press conferece sa Savano Hotel sa San Jose del Monte City, nitong Biyernes.
Dumalo sa pagtitipon sina dating senador Manny Paquiao, Senator Francis Tolentino, Deputy Speaker Camille Villar, dating Local Government secretary Benhur Abalos, dating senator Ping Lacson, dating Senate President Vicente ‘Tito’Sotto III, Makati Mayor Abby Binay at Alyansa para sa Bagong Pilipinas Campaign Manager Congressman Toby Tiangco.
Tinuran ni Lacson na ang solusyon upang hindi na madaanan ng mga hindi awtorisadong sasakyan ang EDSA Busway ay ang mga bus sa pasalungat na direksyon.
Ang rekomendasyong ito ay kasunod ng ulat ng mga paglabag sa busway, kabilang na ang convoy ng Philippine National Police (PNP). (DANNY BACOLOD)
