SANGGUNIANG PANLALAWIGAN NG BATANGAS IIMBESTIGAHAN ‘KALTAS’ SA EDUCATIONAL AID NG LALAWIGAN

NABABAHALA ang Sangguniang Panlalawigan ng Batangas sa estilo ng pagkaltas sa educational assistance ng mga estudyante ng lalawigan.

Kaya naman, nakatakdang magsagawa ng imbestigasyon ang committee on Education, committee on Appropriations at committee on Youth ng Sangguniang Panlalawigan ngayong araw (Miyerkoles) ukol sa ibinulgar na anomalya ni Board Member Alfredo Corona.

Sa kanyang privilege speech, kinondena ni Corona ang sistema ng pagkaltas ng educational assistance sa mga estudyante ng lalawigan.

Tinutukoy ni Corona ang trending video na pinost ng Facebook page na Whamosnette, kung saan nakita sa payout ng mga scholar na may nakapwestong dagdag na tao sa counter sa Kapitolyo na kumukuha ng parte sa ayudang binibigay sa mga estudyante.

Batay sa post, may nakalaang P190 million para sa mga scholar ng lalawigan.

Sa P5,000 kada scholar, lumilitaw na nasa 38,000 ang scholars ng Batangas.

Ayon sa source ng video, nasa P1,500 ang kinukuhang kickback mula sa P5,000 financial assistance sa scholars.

Katumbas ito ng P57 milyong kickback kada taon.

“Maipaliliwanag ba ni Gob (Mandanas) ang nakapanghihinalang galawang ito sa Kapitolyo?” sabi pa sa video.

15

Related posts

Leave a Comment