SARA DUTERTE MAGIGING MAGALING NA VP – MARCOS

MAGIGING magaling si Vice President-elect Sara Duterte sa kanyang bagong posisyon.

“I am so proud of her. She’s gonna be great. She will do a great job. I know it,” ayon kay incoming President Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.

Dumating si Marcos sa Davao City matapos maka-lunch ang kanyang asawa na si Liza at panganay na anak na si incoming Ilocos Norte Rep. Sandro Marcos, para dumalo sa oath-taking ni Duterte bilang ika-15 Bise-Presidente ng bansa.

Ang kapatid nito na si Sen. Imee Marcos, ay dumalo rin sa nasabing seremonya.

Nauna rito, sinabi ng kampo ni Marcos na ang incoming chief executive ay inaasahan magbabalik-Maynila para dumalo sa iba pang commitments nitong Lunes.

Inilarawan ni Marcos si Duterte bilang “best running mate and BFF (best friend forever) anyone could ever wish for.” (CHRISTIAN DALE)

597

Related posts

Leave a Comment