SINAMPAHAN na ng Department of Justice (DOJ) ng apat na bilang ng kasong tax evasion ang kontraktor na si Sarah Discaya sa Court of Tax Appeals kaugnay ng umano’y hindi pagbabayad ng tamang buwis.
Ayon kay DOJ spokesperson Atty. Polo Martinez, isinampa ang mga kaso noong Pebrero 3, 2026 matapos umanong makitaan ng prima facie evidence with certainty of conviction si Discaya sa paglabag sa Sections 254 at 255 ng National Internal Revenue Code of 1997.
Batay sa imbestigasyon, pinaniniwalaang itinago umano ni Discaya ang tunay na kita sa kanyang Income Tax Returns para sa taong 2020 at 2021.
Samantala, ipinagpaliban muna ang pagsasampa ng kaso laban sa asawa nitong si Curlee Discaya na nahaharap din sa kaparehong reklamo.
Nagharap umano si Curlee ng motion for reconsideration upang hilingin na baligtarin ang naging resolusyon ng panel of prosecutors.
Dahil dito, humiling ang prosekusyon sa Bureau of Internal Revenue ng karagdagang dokumento at ebidensya na gagamiting batayan sa posibleng pagsasampa ng kaso sa Court of Tax Appeals.
(JULIET PACOT)
3
