SC NAGLABAS NG GABAY SA PAGGAMIT NG AI SA HUDIKATURA

supreme court12

PINAGTIBAY ng Korte Suprema (SC) En Banc ang isang Governance Framework para sa paggamit ng human-centered augmented intelligence sa hudikatura.

Batay sa resolusyon na may petsang Pebrero 18, 2026, naglatag ang SC ng mga alituntunin para sa responsableng paggamit ng artificial intelligence (AI), na nakabatay sa mga prinsipyo ng fairness, accountability, at transparency.

Pinangunahan ni Senior Associate Justice Marvic M.V.F. Leonen ang pagbuo ng framework, kasama sina Associate Justices Ramon Paul L. Hernando at Rodil V. Zalameda.

Binigyang-diin ng Korte Suprema na ang AI ay magsisilbing suporta lamang at hindi maaaring pumalit sa human judgment sa pagdedesisyon ng hukuman.

Ipinag-utos din ang mandatory disclosure sa paggamit ng AI, habang nananatiling pananagutan ng mga hukom ang pinal na desisyon.

Magkakaroon din ng permanenteng komite ang SC na tututok sa wastong paggamit at implementasyon ng AI sa hudikatura.

(JULIET PACOT)

101

Related posts

Leave a Comment