SC NAGLUNSAD NG GENDER AWARENESS TRAINING SA ZAMBALES

PINANGUNAHAN kahapon ng Korte Suprema (SC) ang isang espesyal na kurso sa gender awareness and responsiveness para sa mga hukom at kawani sa lalawigan ng Zambales, bilang bahagi ng patuloy na kampanya ng hudikatura tungo sa pagiging mas inklusibo at makatao.

Sa kanyang talumpati, hinimok ni SC Associate Justice Henri Jean Paul Inting ang mga kalahok na maging mas maingat at sensitibo sa mga isyu sa kasarian at isabuhay ang magalang at inklusibong pag-uugali.

“Sa pamamagitan ng inisyatibong ito, binibigyang kapangyarihan namin ang aming sarili — mula sa mga hukom hanggang sa bawat miyembro ng aming kawani — na kilalanin ang mga isyung nakabatay sa kasarian at harapin ang mga walang malay na pagkiling,” ani Inting.

“Kami ay nakatuon sa pagbuo ng isang hudikaturang hindi lang mahusay at may prinsipyo, kundi pati inklusibo, mahabagin, at tumutugon sa pangangailangan ng lipunan.”

Ang programa ay kaakibat ng Strategic Plan for Judicial Innovations 2022–2027 (SPJI) ng Korte Suprema, na layuning gawing mas makabago, patas, at tumutugon ang sangay ng hudikatura sa makabagong panahon.

Noong nakaraang buwan, idinaos din ng High Tribunal ang apat na araw na training program katuwang ang Philippine Judicial Academy (PHILJA).

Binigyang-diin pa ni Inting na ang tunay na hustisya ay hindi lamang nasusukat sa kahusayan ng hatol kundi sa empatiya at paggalang sa dignidad ng bawat tao.

(JULIET PACOT)

68

Related posts

Leave a Comment