PNP chief Nartatez kinalampag sa talamak na bookies, jueteng sa lalawigan ng Albay

NANAWAGAN kay PNP Chief Gen. Melencio Nartatez ang netizens sa lalawigan ng Albay dahilan sa umano’y talamak na ilegal na sugal na sinasabing obyus na kinukonsente ng mga hepe ng lokal na kapulisan.

Partikular na tinukoy ng mga nagreklamong grupo na civic at religious groups (nakiusap na wag banggitin ang kanilang pagkakakilanlan) ang mga lungsod ng Tabaco at Ligao na umano’y pinamumugaran ng mga ilegalistang nasa likod ng panumbalik ng jueteng, Small Town Lottery bookies at ilegal na sabong.

“Sina Cols. Edmundo Cerillo, ng Tabaco City police station at Larry Nino Prepotente, ng Ligao police station, ang kailangan magpaliwanag kung bakit hindi sila dapat sibakin sa one-strike policy ng Pambansang Pulisya hinggil sa hindi masawata na jueteng at STL bookies at iba pang ilegal na sugal sa kanilang area of jurisdiction,” panahayag ng mga nagreklamo.

Mariin pang inihayag ng mga ito sa kanilang sumbong ang mga mga taong umano’y nasa likod ng muling mapapayagpag ng mga ilegal na sugal, hindi lang sa mga lungsod ng Tabaco at Ligao, kundi sa buong lalawigan ng Albay: Isang dating alkalde na may alyas na TsinoGar at isang Alyas Keernel El Niño.

Ayon sa nagreklamo ay pabalik-balik na umanong hepe ng Ligao PNP station itong si Col. Prepotente dahil sa hinalang gawing lihis sa matuwid tulad ng ilegal na sugal at kasabwat ang pinsan niyang kilala sa tawag na Kap Imo David na katiwala ng isang alkalde.

“Ilang beses na ring na-relieve itong si Kernel dahil sa kanyang pagpapabaya sa mga ilegal na gawain sa nasasakupan nyang lugar, kung hindi man ay mismo sa pagkakasangkot nya sa mga nasabing maling gawain,” saad ng mga nagreklamo.

Ayon sa kanila ay kailangan na umanong pakialaman ng nasa liderato ng PNP sa Camp Crame ang problema o pagpapabaya kung ‘di man pagkakasangkot ng lokal na kapulisan sa talamak na sugal sa Albay at sa buong rehiyon ng Bikol dahil ang PNP regional office ay obyus na dini-dedma ang pamamayagpag ng mga ilegalista sa buong Albay.

“Si General Nartatez ang aming nakitang makakapagbigay ng tamang aksiyon sa pagpipikit-mata ng mga awtoridad sa talamak na ilegal na sugal sa aming lalawigan,” pagtatapos na saad ng mga nagreklamo.

48

Related posts

Leave a Comment