INATASAN ng Supreme Court si Ombudsman Jesus Crispin ‘Boying’ Remulla at ang Independent Commission for Infrastructure na magkomento sa petisyong inihain ng dating mambabatas na si Zaldy Co.
Kinuwestyon ni Co ang resolusyon ng Ombudsman na nagsampa ng kasong paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act at malversation laban sa kanya at iba pang personalidad kaugnay ng umano’y anomalya sa flood control projects.
Nilinaw naman ng Korte Suprema na sa ngayon ay wala pa silang inilalabas na Temporary Restraining Order (TRO) sa inihain na petition for certiorari ng dating kongresista.
(JULIET PACOT)
7
