SEA TRAVEL SUSPENSION SA VISAYAS INALIS NA NG PCG

INALIS na ng Philippine Coast Guard (PCG) Davao Region ang suspensyon ng biyahe ng mga barko sa Visayas dahil sa bumubuting lagay ng panahon.

Pinayagan na rin ng PCG station sa Surigao del Norte ang mga sasakyang-pandagat na maglayag mula sa probinsya ng Cebu.

Sinabi ni Surigao del Norte PCG station commander, Ensign Roy Christopher Orillaneda, ang tropical cyclone warning signal ay wala na sa Cebu. Nangangahulugang maaari nang tumuloy sa kanilang destinasyon ang stranded na mga pasahero sa daungan sa Surigao City at Lipata.

Inalis na rin ng PCG station sa Zamboanga City ang suspensyon ng sea travel sa island provinces ng Basilan, Sulu, at Tawi-Tawi nitong Miyerkoles.

Nitong madaling araw ng Miyerkoles, ang Bagyong Tino ay ikapitong nag-landfall sa Palawan, kung saan naapektuhan lamang ang maliit na bahagi ng Visayas.

(JOCELYN DOMENDEN)

49

Related posts

Leave a Comment