SEAMAN NABITAG SA OVERPRICED ALCOHOL

ARESTADO ang isang seaman nang pinagsanib na mga operatiba ng Bulacan Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) at Guiguinto police sa koordinasyon sa Department of Trade and Industry (DTI), makaraang magbenta ng overpriced alcohol sa entrapment operation sa Maharalika Highway, Brgy. Tabang sa bayan ng Guiguinto sa lalawigang ito, noong Lunes ng hapon.

Base sa report ni P/Major Rito I. Sebuala, hepe ng Bulacan CIDG, kay P/Col. Lawrence Cajipe, acting provincial director ng Bulacan PNP, kinilala ang suspek na si Randy Paguia y Betonio, 36, seaman at nakatira sa Bantayan St., Barangay Panginay sa bayan ng Balagtas.

Ayon sa ulat, alas-11:30 ng tanghali nang magkasa ng operasyon ang Bulacan CIDG, sa supebisyon ni P/Major Sebuala, at Guiginto police, sa pangunguna ni P/Major Rolando Geronimo, at kinatawan ng DTI na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek.

Napag-alaman, isang pulis ang nagkunwaring bibili ng alcohol sa suspek sa pamamagitan ng online transaction at umorder ng 35 gallons ng isoprophyl alcohol sa halagang P700 kada gallon.

Nang magkasundo ay isinagawa ang transaksyon sa Maharlika Highway at hindi nakapalag ang suspek nang arestuhin ng mga awtoridad dahil sa overpriced na alcohol na dapat ay P500 hanggang P550 lamang ang presyo kada gallon. (GINA BORLONGAN)

 

159

Related posts

Leave a Comment