PATULOY ang pamahalaan sa pagtulong sa mga sinalanta ng magkakasunod na bagyo sa bansa.
Sinabi ni Department of Interior and Local Government Secretary Eduardo Año na abala ngayon ang mga kinauukulang ahensya ng gobyerno sa mga search, rescue and relief operations.
Aniya, pinaka-tinamaan nang husto sa Greater Manila Area ang NCR, Montalban, San Mateo, Cainta at ang may pinakamataas na flooding incident ay ang Marikina.
Isa aniya ang Metro Manila sa pinaka tinututukan ngayon ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan partikular na ng iba’t ibang attached agencies ng Office of Civil Defense (OCD).
Magugunitang malaking bahagi ng NCR ang napinsala at nawalan ng tubig at kuryente dahil sa bagyong Ulysses na ngayon ay unti-unti nang nagbabalik sa normal. (CHRISTIAN DALE)
182 