SEGURIDAD SA METRO MANILA HINIGPITAN

INALERTO ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang kapulisan sa kalakhang Maynila upang masigurong hindi magkaroon ng spillover ang naganap na kambal na pagsabog sa Jolo, Sulu kamakailan.

Kasabay nito, mahigpit na pinamamatyagan ng NCRPO sa mga intelligence unit at Explosive and Ordnance Division ang matataong lugar sa Metro Manila.

Nabatid na agad inatasan ni NCRPO Chief Maj. General Debold Sinas ang mga district director sa NCR na palakasin ang intelligence gathering para matiyak na hindi mangyayari sa Metro Manila ang bombing incident sa Jolo, Sulu.

Hinikayat din niya ang publiko na agad iparating sa mga awtoridad kung may mga bagong dating sa kanilang lugar na nagmula sa Jolo, Sulu.

Dapat din aniyang seryosohin ng Explosive and Ordnance Division ang mga tawag sa telepono na may kaugnayan sa mga bomb threat.

Bukod dito, nakikipag-ugnayan na rin ang NCRPO sa mga counterpart nito sa AFP-NCR command para palakasin pa ang intelligence gathering laban sa mga pinaghihinalaang miyembro ng mga terorista. (ANNIE PINEDA)

166

Related posts

Leave a Comment