TARGET NI KA REX CAYANONG
TUNAY na may malasakit sa taumbayan si Senador JV Ejercito. Kaya siya mahal na mahal ng mayorya ng ating mga kababayan. Una kasi sa puso niya ang mga Pinoy.
Kamakailan, nanawagan si Ejercito sa lokal na pamahalaan ng San Juan City na ibigay na ang terminal pay ng 20 retiradong empleyado ng city hall. Kung hindi ako nagkakamali, aabot daw ito sa halagang ₱40 milyon.
Nakadidismaya raw na marinig na hindi pa ibinibigay ang terminal pay ng retirees na ito dahil lang sa kung sino ang kanilang sinusuportahan o malamang daw ay hindi sila ibinoto noong eleksyon.
Si Ejercito ay dating alkalde ng lungsod, gayundin ang kanyang amang si dating Pangulong Erap Estrada, inang si Guia Gomez, at kapatid na si Senador Jinggoy Estrada.
Hindi maitatanggi na kalaban nila sa pulitika si incumbent Mayor Francis Zamora.
Well, hindi naman daw pinupulaan ni Ejercito si Mayor Zamora, bagkus, isa lang daw itong panawagan bilang public servant din gaya ng kasalukuyang alkalde ng lungsod.
Aniya, marapat daw na ibigay na ang benepisyong nararapat sa mga retiradong empleyado ng city hall dahil kawawa nga naman ang mga ito.
Nawa’y makarating kay Mayor Zamora ang panawagan ng masipag na senador.
Samantala, isa sa mga nakilala kong masisipag na public servants sa bansa ay si Cong. Dale Corvera ng Ikalawang Distrito ng Agusan del Norte.
Super sipag nitong si Corvera. Katunayan, kamakailan nga, nasa 463 indigent graduating high school at college students ang nakatanggap ng P4,000 bilang educational assistance.
Sinasabing ginamit ang P10 milyon funds sa ilalim ng mga serbisyong ipinakilala ni Cong. Dale.
Ang 295 recipients ay nadagdag sa 758 na naunang mga benepisyaryo o bahagi ng 2,500 all-student beneficiaries sa buong distrito.
Nasa 161 students ang nakakuha ng ayuda sa Carmen habang 124 naman sa Magallanes.
Magtutuloy-tuloy daw ang pamamahagi ng educational assistance sa mga susunod na araw hanggang sa maabot ang 1,742 pang benepisyaryo sa mga lungsod ng Santiago, Jabonga, Nasipit, Buenavista at Cabadbaran City.
Naging kinatawan naman ni Cong. Corvera sa mga ikinasang payouts si Coun. Leo Dale Corvera, anak ng solon, at kasalukuyang city councilor ng Cabadbaran.
Mabuhay po kayo, mga bossing, at God bless!
175