SENIOR CITIZEN ITINUMBA NG TANDEM

CAVITE – Pinaghahanap ng pulisya ang isang riding in tandem na bumaril at nakapatay sa isang 61-anyos na tricycle driver habang nag-aabang ng masasakyan sa isang terminal sa Dasmariñas City noong Lunes ng gabi.

Namatay sa lugar ng pinangyarihan ng insidente ang biktimang si Efreb Honor y Camerico, 61, ng Brgy. Paliparan 3, Dasmariñas City, dahil sa dalawang tama ng bala sa katawan.

Mabilis namang tumakas makaraan ang pamamaril ang dalawang suspek na nakasuot ng itim na kapote at itim na bonnet at lulan ng itim na motorsiklong Honda Wave.

Ayon sa ulat, nakatayo ang biktima habang nag-aabang ng masasakyan sa isang terminal sa Barangay Road, Brgy. Paliparan 3, Dasmariñas City, nang lapitan siya ng mga suspek at pinagbabaril bandang alas-8:40 ng gabi.

Makaraan ang pamamaril, sumakay sa isang motorsiklo ang mga suspek at tumakas sa hindi nabatid na direksiyon.

(SIGFRED ADSUARA)

35

Related posts

Leave a Comment