SENIORS NA MAY PENSYON TABLADO SA SAP

NILINAW ng pamahalaan na itsapuwera na ang mga pensiyonadong senior citizen sa mga makatatanggap ng financial  aid sa ilalim ng social amelioration program sa panahong umiiral ang Luzon-wide enhanced community quarantine.

Ayon kay Irene Dumlao ng Department of Social Welfare and Development (DSWD); “Kapag may senior citizens na head of the family at sila ay may tinatanggap na pension, hindi po sila maka-qualify sa social amelioration program primarily because it is included in our guidelines na kapag ikaw ay retired and receiving pension you are not qualified po.”

Nilinaw ng DSWD na prayoridad ng kanilang kagawaran na mabigyan ng ayuda ang mga pamilyang walang lubos na pagkukunan ng pera para sa kanilang pangangailangan.

“Pina-prioritize natin yung mga pamilyang walang source of income during this implementation of this ECQ (enhanced community quarantine),” ani Dumlao.

Subalit sa likod nito, inihayag ni Dumlao na may iba pang mga programa ang DSWD na maaaring makatugon sa medikal na pangangailangan ng mga senior citizen tulad ng assistance to individuals in crisis situation.

Kaugnay nito, inihayag pa ni Dumlao na nagsisimula na ang pagbibigay ng first semester social pension (SocPen) for indigent senior citizens.

Napag-alaman na aabot sa 9.7 million senior citizens ang makatatanggap ng anim na buwan ng kanilang pension in advance ngayong buwan ng Abril para maayudahan sila sa epekto ng COVID-19 lockdown sa buong Luzon. JESSE KABEL

180

Related posts

Leave a Comment