SERBISYO NI JANAIRO SA DOH, PINALAWIG

INAPRUBAHAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapalawig sa serbisyo ni Dr. Eduardo C. Janairo bilang Director IV ng Department of Health (DOH)-Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon) ng karagdagang anim pang buwan matapos ang kanyang compulsary retirement age.

“I welcome the privilege to serve the government again. Nagpapasalamat ako sa ating presidente, kay Presidente Duterte, sa binigay noyang suporta at pagtitiwala sa aking kakayahan upang patuloy na maisulong ang iba’t ibang program na atin nang naumpisahan sa Calabarzon,” ayon kay Janairo.

“Marami pang dapat gawin. Marami pang dapat isaayos at kailangang magtrabaho agad para maisakatuparan lahat ng ito. Six months will pass quickly and we need to create impact programs that will have a solid effect to our people. Gaya ng sabi ng ating presidente, kailangan ang serbisyo ng ating gobyerno ay nararamdaman, nararanasan at walang naiiwanan. Lahat dapat makinabang, mayaman man o mahirap,” paliwanag nito.

Nagretiro si Dr. Janairo  nitong November 20, 2020 kung saan nagsilbi siya sa DOH ng 38 taon.
Si Janairo ang tanging health executive na nagsilbi sa siyam na Regional Office bilang director at kauna-unahang nakatanggap ng pagpapalawig sa kanyang serbisyo. (SIGFRED ADSUARA)

107

Related posts

Leave a Comment