IBINIGAY ni Australian Open champion Serena Williams ang napanalunang prize money sa Australian bushfire victims.
Maliban sa $NZ65,000, dinoneyt din ni Williams sa auction para pa rin sa Australian bushfire relief ang may signature na damit na isinuot niya sa unang round ng WTA Auckland Classic.
Matapos ang tatlong taon na paghihintay ay muling nagkampeon sa WTA si Williams nang talunin sa Auckland finals si Jessica Pegula 6-3, 6-4.
Target ng 38-anyos na tournament top seed na mapantayan ang record ni Margaret Court na 24 Grand Slam titles sa Melbourne ngayon buwan.
Ang Australian Open ang unang title win ni Williams simula noong 2017, nang mapanalunan niya ang naturang titulo noong buntis pa lang siya, at kauna-unahan ngayong ganap na siyang ina kay Alexis Olympia Ohanian Jr.
Ito rin ang ika-73 WTA titles sa loob ng apat na dekada, simula nang unang manalo noong 1999.
“It’s been a long time, I think you could see the relief on my face,” aniya. “It definitely feels good, it feels like i was definitely improving as the week went on and obviously I needed to.”
