SESYON SA KAMARA SUSPENDIDO DAHIL SA COVID-19

SINUSPINDE ang sesyon sa mababang kapulungan ng Kongreso dahil sa patuloy na pagdami ng kaso ng COVID-19.

Ito ang inanunsyo ni House majority leader Martin Romualdez ngayong gabi kung saan isasailalim sa disinfection ang buong kapulungan matapos umakyat na sa 41 ang kaso ng COVID-19  na
ikinamatay ng 4 sa mga ito kabilang na si Senior Citizen party-list Rep. Francisco Datol, Jr.

“The House of Representatives suspended session until Monday, August 17, in response to clamor from House employees who report to work regularly despite the recent upsurge of COVID-19 cases in Metro Manila,” ani Romualdez.

“The session break will give ample time for a thorough disinfection of all offices and facilities in the House of Representatives and give employees a brief respite from the aggravation caused by the
spike in COVID cases,” dagdag pa nito.

Ang Kamara ay nagsasagawa ng sesyon mula Lunes hanggang Miyerkoles at bagama’t karamihan sa mga mambabatas ay lumalahok lang online ay may mga kongresista pa rin ang kailangang pumasok nang personal at obligado silang samahan ng ilan sa kanilang mga staff.

Gayunpaman, tanging ang sesyon ang suspendido dahil itutuloy pa rin ang mga committee hearing na karaniwang idinadaan sa virtual hearing. (BERNARD TAGUINOD)

93

Related posts

Leave a Comment