SEX EDUCATION SA KABATAAN PINANINDIGAN SA KAMARA

HINDI malayong mas dumami ang mga kabataang mabubuntis nang maaga at masisira ang buhay kapag hindi nagkaroon ng sex education sa bansa at maturuan ang mga ito na maging responsable.

Ito ang ibinabala ni Kabataan party-list Rep. Raul Manuel matapos kontrahin ng isang grupo ng kababaihan at religious group ang Comprehensive Adolescent Sexuality Education (CASE) na unang pinagtibay sa Kamara.

“Kapag nagpatuloy itong problema, ang totoong biktima ay ang mga kabataan. These include thousands of young women who, under the status quo, have been thrust into the physical and emotional struggles of early motherhood. For their sake, meaningful reforms must be made,” ani Manuel.

Base sa inaprubahang House Bill (HB) 8910 o “Adolescent Pregnancy Prevention Act noong nakaraang taon, umaabot sa 500 kabataan ang nabubuntis at nanganganak taun-taon sa Pilipinas dahil sa kawalan ng sapat na edukasyon sa negatibong epekto ng pakikipagtalik nang wala sa panahon at sa hindi asawa.

Dahil dito, lumabas sa report ng United Nations Population Fund (UNFPA) ang Pilipinas ang isa sa may mataas na teenage pregnancy sa 11 miyembro ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).

Muling naungkat ang nasabing usapin matapos isiwalat ng isang grupo ng kababaihan ang umano’y nakababahalang probisyon sa hiwalay na bersyon ng Senado sa CASE.

Mariin itong itinanggi sa Senado na sinegundahan naman ni Manuel na isa sa mga nagsulong sa nasabing panukalang batas.

Kaugnay nito, inihayag ng Malacanang na agad ibe-veto ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang ilang elemento na nakapaloob sa SB 1979 kapag ipinilit na ilusot ito nang hindi narerepaso.

“Because this is, all this woke that they are trying to bring into our system. You will teach four year olds how to masturbate. That every child has the right to try different sexualities,” ayon sa Pangulo.

“Pero yung mga sinama nila na woke na absurdities are abhorrent to me. And I am already guaranteeing, hindi pa napasa ito, pero if this bill is passed in that form, I guarantee all parents, teachers, and children, I will immediately veto it,” pagtiyak ng Pangulo.

Sinabi ng Chief Executive na nito lamang nakaraang Huwebes, hiningi ang kanyang opinyon ukol sa sex education sa mga paraalan.

Nauna rito, sinabi ng Pangulo na dahil sa dumadaming kaso ng teenage pregnancy, single mother at maging ng mga sakit na may kaugnayan dito, mahalaga na maituro ang sex education sa mga paaralan. (BERNARD TAGUINOD/CHRISTIAN DALE)

187

Related posts

Leave a Comment