PINALAGAN ni Senador Panfilo Lacson ang bantang “shoot to kill” order ni Pangulong Rodrigo Duterte sa sinomang manggugulo dahil sa gutom sa panahon ng enhanced community quarantine (ECQ) dahil wala naman bago sa kanyang pagbabanta.
Sa pahayag, sinabi ni Lacson na eksaherado at marahas ang banta ni Pangulong Duterte sa mga nagugutom na “troublemakers” dahil kapos ang paghahatid ng pangunahing serbisyo sa naiipit na mamamayan.
“Definitely, the President’s warning to have “troublemakers” during the enhanced community quarantine shot was exaggerated and harsh. But coming from this President, what else is new?,” ayon kay Lacson.
Pero, aniya, dapat din imbestigahan ng awtoridad ang sinasabing “riot” sa Quezon City dahil sa protesta ng mga nagugutom umanong residente upang matukoy kung may katotohanan ang reklamo o mayroon lamang nag-uudyok sa mga ito.
Pero, aniya, hindi naman sinasabi na lahat ng protesta sa panahon ng ECQ ay politically instigated. ESTONG REYES
