While it remains to be seen, musika sa pandinig ang tinurang pangako ni Bayani Agbayani that if ever he crosses over to politics ay never siyang magiging corrupt.
Aniya, hindi niya masisikmurang mula sa ilegal na paraan manggagaling ang ilalaman niya sa sikmura ng kanyang pamilya.
Premature as it may seem to judge Bayani on the basis of his promise ay naniniwala kaming mapaninindigan niya ito. Although there’s an age-old truism na walang humawak sa palayok ang hindi nauulingan, Bayani is perhaps an exception.
Minsan na kasi naming nakatrabaho ang kanyang maganda’t madiskarteng maybahay na si Len. She had worked as PA sa ilang programa noon ng GMA.
On the side ay nag-aalok si Len ng sari-saring merchandise on easy payment terms sa kanyang mga co-workers. That time, she and Bayani were starting to build a family.
Bilang komedyante, hindi man masasabing isa siyang napakalaking pangalan but Bayani’s career remains at a steady pace. Hindi siya natetengga, ‘ika nga.
In fact, he had to decline a guesting role on ABS-CBN’s “FPJ: Ang Probinsyano” and a board membership of MTRCB dahil hindi niya ‘yon maisisingit sa kanyang work sked.
Having gone full circle (naikot na niya ang GMA, ABS-CBN at TV5), with the reinvigorated operations of IBC 13 ay hindi kataka-takang in the future ay magkaroon din doon ng raket si Bayani.
Which means politics will have to take a backseat.
***
Parang may allied nations sa panahon ng giyera ang mga miyembro ng pamilya Barretto.
This time, tables are turned dahil it’s Gretchen-Claudine versus Marjorie when it used to be Gretchen versus Marjorie-Claudine.
Sana lang, sa nangyayaring “rigodon de Guerra” (as opposed to rigodon de amor) ay magkaroon ng positibong epekto ang alyansa nina ate at bunso.
Of the sisters, Claudine is the closest to their parents na matagal nang kaalitan ni Gretchen. We’d like to see the day when Claudine will literally drag her Ate Gretchen back to their oldies. Parang giyera rin na peacetime din ang ending.
Hindi kasi masasabing naresolba na ang unfinished business ni Gretchen with respect to family issues until she smokes the peacepipe with her parents.
Malaki ang papel na ginagampanan ni Claudine in making it happen. Kung naitsa-puwera nga si Kris Aquino na mas pinaboran ni Claudine over Gretchen, lubus-lubusin na nila ang kanilang paniniwalang mas malapot ang dugo kesa sa tubig.
165