ANG ganda-ganda ng official teaser ng pelikulang Unbreakable na pinagbibidahan nina Angelica Panganiban, Bea Alonzo Alonzo at Richard Gutierrez.
Mas maganda at mas maigting ang full trailer. Mas kapana-panabik tuloy na panoorin sa Nobyembre 27. Pakiwari ko, sa 18 Pinoy movies na palabas this November ay ito lang ang blockbuster.
Kuda nang kuda, andaming hanash ng mga chuwariwap ng ibang local movies na showing this month, pero hindi nila masabi kung magkano ba ang kinikita ng mga ipinagmamalaki nilang palabas. Magpakatotoo tayo! The truth will set us free.
May mga matututunan tayo sa katotohanan — gaano man iyon kapait, o kasaklap. Huwag tayong magtanga-tangahan.
PINIPILI NILANG MAHALIN ANG KASALANAN
Mabenta sa indie movies ang dakilang bikini hunk na walang kyeme sa buyangyangan at umaatikabong lampungan.
Nakikipag-espadahan siya ng dila sa kapwa lalaki, at sumirku-sirko sa romansahan as if it’s something he normally does everyday.
Aminado siyang pahada sa mga badidang, lalo pa’t may mag-ina siyang sinusuportahan.
Isinusumpa ni indie actor na hindi siya tumitira sa wetpax ng bakla. Katwiran niya, sa ganoon ay hindi siya tinitigasan. Ang batuta ni Dracula, nanghihina… naglulupasay.
Ayaw na ayaw niyang binabastos siya sa social media. Hubadero man si kuya ay umaamot siya ng pang-unawa, at pagrespeto sa kanyang pagkatao.
Himutok ng indie actor, “Iiwasan ka ng taong nag-aalok ng kasalanan oras na nagbahagi ka ng mga Salita ng Diyos.
“Ayaw nilang malaman ang kanilang pagkakamali. Mas gusto nilang magpakasasa sa laman.
“Nakalulungkot na mas pinipinili nilang mahalin ang kasalanan, kesa sa tagapagligtas ng sanlibutan.”
210