BAGONG XIAN LIM-KIM CHIU TELESERYE ‘TINITIMPLA’ NA

shumo-showbiz copy(NI JONATHAN ANG)

MAY tinitimplang bagong teleserye for Xian Lim at Kim Chiu ang ABS-CBN na nahahawig ang kwento sa blockbuster Hollywood movie na Crazy Rich Asians.

Huling pagtatambal sa soap nina Xian at Kim ‘yung TV romantic drama series na “Story Of Us” na umere sa Kapamilya Network nu’ng 2016 pa. Kaya ganu’n na lang ang pagkatuwa ng loyal KimXi fans na magkakaroon uli ng bagong project together ang dalawa after three years.

Siyempre pa, worried o malungkot ang kanilang mga tagahanga sa posibilidad na mabuwag ang pinakatatangi nilang loveteam dahil nga lumipat si Xian sa Viva Artists Agency noong January 2018.

However, pinakalma naman ni Xian ang avid KimXi followers dahil sa kanyang assurance na kahit magkaiba na ang mga talent management agency na namamahala sa career nila ni Kim, mananatili at hindi mawawala ang kanilang KimXi tandem.

By the way, kabilang si Kim sa mga artista ng ABS-CBN at GMA-7 na nag-joint forces para palaganapin ang world peace (and goodwill among men) sa pamamagitan ng pagdarasal at ng “A World at Prayer is A World at Peace” project nina Archbishop Soc Villegas at Mrs. Marichu Vera Perez-Maceda.

Devotee pala kay Padre Pio itong si Kim kaya madalas siyang nagsisimba sa Saint Pio Chapel sa Libis, Quezon City.

“When I pray, alam ko kausap ko ang Panginoon dahil kay God, walang imposible, walang masama, walang tama, walang mali,” ang humo-Holy Week na pahayag ni Kim.

“Huwag nating kalilimutan ang magdasal at ialay ang lahat sa Kanya,” mataimtim pang dagdag ni Kim patungkol sa kanyang malakas na pananampalataya sa Diyos.

# # #

Must-see ang controversial movie na Jino To Mari (directed by Joselito Altarejos), official entry to the 5th Sinag Maynila Film Festival (last day na today, April 9)! Nagwaging Best Actress ang bidang babae nitong si Angela Cortez, pero olats (talo!) sa Best Actor ca­tegory ang male lead na si Oliver Aquino.

Talaga namang talk of the town ang mga sex scenes sa nasabing pelikula at talagang sobrang challenging ang role na ginampanan dito ni Oliver.

“Masakit, masakit talaga siya, eh,” emphatic na sambit ni Oliver, in reference to the uncomfortable-and-difficult-to-shoot 3rd sex scene nilang dalawa ni Angela sa movie.

“Naiyak po talaga ako. Iyak po talaga ako nang iyak… Nasuka po ako talaga. Totoo po ‘yon!

“Ang daming et*ts sa harap ko! Oh, shit! Oh, shit!” Sa kabila ng for-the-sake-of-arts na todo-effort ni Oliver, inisnab pa rin siya ng filmfest awards jury at bagkus ay ibinigay ang Best Actor award kay Nar Cabico for Akin ang Korona (directed by Zig Dulay).

 

235

Related posts

Leave a Comment