BEA PINANININDIGAN ANG ‘THE YEAR OF CHANGE’ PROMISE

bea12

LOURDES C. FABIAN(NI LOURDES C. FABIAN)

MUKHANG pinaninindigan na ni Bea Alonzo ang sinabi niyang 2019 to be “the year for change.”

The 31-year-old Kapamilya star wants to live up to that statement. First time niyang ginawang maging abala at magbigay ng birthday celebration para sa lalaking minamahal. At tuwang-tuwa naman si Gerald Anderson dahil sa inihanda niyang surprise para sa kanyang 30th birthday celebration.

Sa kanyang speech, diretsahang pinasalamatan ni Bea ang bf: “Thank you for being such a wonderful man. I love you,” na pinalakpakan ng kanilang mga kaibigan. Magandang senyales ang pagiging open na ngayon ni Bea sa kanyang feelings para kay Gerald na itinuturing niyang “a wonderful man” at “my great love story.”

Pinaghahandaan ngayon ni Bea ang pagsisimula ng taping ng gagawing bagong serye kung saan makakasama niya si Richard Yap. Ito rin ang unang pagkakataon na makakatrabaho ng aktres si Richard Gutierrez sa isang soap opera.

                                   MGA LABI NI CHOKOLEIT DADALHIN SA DAVAO SA MARCH 15

 

chocnut1DUMALAW sa unang gabi ng lamay ni Chokoleit noong Lunes, March 11 ang matalik na mga kaibigan niya sa showbiz na pina­ngunahan nina Vice Ganda, Pokwang, K Brosas, Pooh, at John Lapus sa isang pune­rarya sa Antipolo City.

Jonathan Aguilar Garcia, also known as Chokoleit, passed away last March 9 due to pulmonary edema and heart attack. Hindi naiwasang maging emosyonal ng mga kaibigan ni Chokoleit as they visited the wake of their good friend.

K wrote in her post: “We love u chokie! Nabawasan kami  ng matalik na kaibigan nina @pooh_tik @itspokwang27 @praybeytbenjamin”

Pinagkasunduan ng magkakaibigan ang mga ganap sa huling gabi ng lamay sa Marso 14, Huwebes, ii-sponsor ng ABS-CBN Star Magic kung saan may maliit na programa – kabilang na ang eulogy – dahil the next day, Friday morning, dadalhin na siya sa Davao, ang kanyang hometown.

Namataan din sa unang gabi ng burol sina Shaina Magdayao, Agot Isidro, Ara Mina, Ogie Diaz, Ryza Cenon, Ryan Bang, atbp.

***

POSITIBO naman ang reaksyon ng karamihan at marami ang hindi na nagulat sa pag-amin ni James Reid na “living together” na sila ni Nadine Lustre. Marami na kasi ang nakakakita na sa iisang bahay na lang talaga sila umuuwi lately. Pero mas maraming kababaihan ang kinilig sa rebelasyon niya sa “Gandang Gabi Vice” tungkol sa sabay na pagbababad nila ni Nadine sa isang bathtub na walang anumang saplot nang magdiwang sila ng kanilang third anniversary sa isang health and wellness resort sa Lipa City.

Inggit na inggit ang mga kababaihan kay Nadine habang nagkukuwento si James tungkol sa bathtub scene. Kakaloka pa si Vice na hiniling kay James na magkaroon sila ng reenactment tungkol sa posisyon ng dalawa (James at Nadine) habang nakababad sa bathtub.

Dahil sa mga rebelasyon ni James sa “GGV” ay nakaalagwa ito sa ratings. Ilang Linggo na rin kasi itong nauungusan ng programa nina Boobay at Tekla sa Siyete.

 

 

 

86

Related posts

Leave a Comment