DUSA ANG DINANAS NI AIKO SA INDIE MOVIE

Dusa ang dinanas ni Aiko Melendez sa indie movie na Tell Me Your Dreams!SCENES

Sa kabundukan ng Tarlac sila nag-shoot ng direktor niyang si Anthony Hernandez sa loob ng anim na araw.

“Yes, nag- immersion. Immersion ako ‘dun. Ilang ilog ang tinawid namin, lakad kami, ilang bundok. Totoo ‘yun, walang kuryente. Then, ako, natutulog lang ako sa regular na kama nila,” kuwento ni Aiko.

“Nakaya ko and masaya ako na nakaya ko.”

Pati raw komunikasyon ay mahirap.

“May parts na walang signal, so may mga part na bababa ka pa du’n sa bandang ilog, just to get a clear signal.”

Ito na ang pinakamahirap na nagawa ni Aiko sa buong showbiz career niya.

“In terms of physical ano, ito, at tsaka ‘yung emotional. Kasi makikita ninyo pag-watch ninyo, in the middle of the film, ano ‘yung mangyayari sa akin. Emotionally draining siya talaga. But after I watched the movie, I can say that maganda ‘yung pelikulang nagawa namin ni Direk Anthony, hindi dahil kaparte ako nito. Siguro ‘pag napanood  ko din ito na hindi ako ang artista… ’yung istorya kasi itself, nakakaiyak siya talaga.”

Ano ang nakukuha niyang satisfaction in doing an indie film?

“Kasi wala ako ditong inhibitions. Unlike when you’re doing a mainstream (movie), meron kang dapat sundin eh, unlike sa indie, may freehand ka or freewill ka to do — on an artistic side — ‘yung craft mo.”

Walang limit ang maaaring gawin sa isang indie film, pero may limit ba si Aiko sa puwede niyang gawin sa harap ng kamera?

“When it comes to kissing scenes, hindi na ako puwede… kasi sa edad ko…magpo-forty three na ‘ko, meron akong Andrei and Marthena, so medyo nakakailang kung mag-kissing scene-kissing scene. Meron akong ipo-produce next year na movie, baka sakali mga ano na lang, ‘yung mga suggestive (ac-tions) ‘yung gagawin.”

Hindi ba kaya ni Aiko na gumawa ng mala-Glorious na pelikula tulad nina Angel Aquino?

“Bigay na natin kay Ms. Angel ‘yun’” at tumawa si Aiko. “Napanood ko, by the way.”

So, nasabi niya sa sarili niya na hindi niya kaya ang mga ginawa ni Angel sa pelikula, lalo na ang intimate scenes nina Angel at gumanap na young lover nitong si Tony Labrusca.

“Nasabi ko sa sarili ko na si Angel lang ang may kaya nun,” at muling tumawa si Aiko. But, it’s with good taste, ang ganda, ang ganda. Well, as always naman, I’m a friend of Angel. I’ve worked with her. She’s one of the finest actresses that we have in the industry. So, bagay sa kanya talaga ‘yung Glorious, siya ‘yun.”

Sa Tell Me Your Dreams, isang teacher ang papel ni Aiko.

“Teacher ako rito and then makikita rito ‘yung dedication ko bilang guro, na ang dami kong pinag-daanan, ilang bundok ang tinawid ko’t ilang ilog ang tinawid ko para lang makapunta sa mga es-tudyante.”

True story ang Tell Me Your Dreams produced by Golden Tiger Films at ipapalabas sa mga sinehan ng Vista Malls.

Tribute ang pelikula sa mga teacher at estudyante.

5

Related posts

Leave a Comment