EARLY FAVORITE VICKIE RUSHTON SUMABLAY SA Q&A

nickie12

shumo-showbiz copy (NI JONATHAN ANG)

TECHNICAL glitch ang sanhi ng almost-two-hour delay ng 56th edition ng Binibining Pilipinas beauty pageant. Despite this, over all ay tagumpay ang coronation night sa Smart Araneta Coliseum at umere sa ABS-CBN Channel 2 (delayed telecast) nitong Linggo, Hunyo 9.

Hosted by Anne Curtis and Richard Gutierrez, ang show ay nagsimula sa pagsasama-sama ng mga kalahok sa isang dance number. Ilang kandidata ang nag-lava walk during the swimsuit competition as homage to Gray’s iconic walk.

May temang “Beyond Beauty” ang Bb. Pilipinas 2019 pageant which saw some changes — from the Free Speak preliminary segment, kung saan ang bawat kandidata ay kailangang mag-elaborate sa napiling topic for 30 seconds or less… to flashing the designers’ names during the evening gown portion.

From 80 candidates sa screening, 40 ang napiling official finalists na na-trim down sa Top 25, further narrowed down to Top 15, bago napili ang naging anim na title holders. Binuno lang naman ng official candidates ang humigit-kumulang tatlong buwan ng charity work, photo shoots, interviews and travels all over the Philippines, bago isinalang sa grand coronation night. Biggest upset of the night ang sinapit ni Vickie Rushton of Negros Occidental, a former PBB housemate and long-time girlfriend ng aktor na si Jason Abalos. Oo nga’t nakakuha siya ng anim na awards earlier in the competition, pero nabulilyaso naman siya sa Q&A portion. Nag-buckle, na-distract, at nadiskaril ang train of thought ni Rushton during the 30-second period na dapat sagutin ang tanong mula sa isa sa mga judges. Sayang! Second attempt na ni Vickie ang 2019 pageant na ito. She won as first runner-up in 2018.

Tatlong Kapamilya stars ang first time napasama sa Binibining Pilipinas panel of judges: Nadine Lustre, James Reid, and Daniel Padilla. Ang iba pang hurado this year ay sina Gloria Diaz, Bobby Barreiro, Joy Belmonte, Brian Cu, Giorgio Gugliemino, Christian Stanhardinger, Rainerio Borja, and Jorge Moragas.

As expected, naging emotional si reigning Miss Universe Catriona Gray sa kanyang speech sa traditional na farewell walk. Sa kanyang medyo mahabang talumpati, pinakatumatak ‘yung linyang “Forever Miss Philippines, forever a Binibini!”

At kinoronahan na nga ni Queen Cat ang kanyang successor — si Gazini Christiana Ganados of Talisay, Cebu — Miss Universe Philippines 2019! Cebuana ang pina­kagwapa o pinaka-dominant beauty ngayong taon dahil isa pang taga-Central Visayas ang nakoronahan — si Samantha Ashley Lo of Cebu City — Bb. Pilipinas-Grand International 2019! Kung pinalad lang si Johanna Carla Saad of Dumaguete, disin sana’y triple victory ang probinsiya ng Cebu! Better luck next time, all ‘thank-you’ girls!

Congratulations to the winners! Make us proud sa inyong laban abroad, ha! Iwasan na maging sabaw/sabog, o tunog memorized, ang sagot na walang pag-utal at eloquent-sounding, pero hindi naman konek sa tanong! ‘Yun na!

 

262

Related posts

Leave a Comment