GERALD ANDERSON, FIRST TIME SA FLOP NA PELIKULA

gerald12

(NI PETER LEDESMA)

SINCE “PBB” days at magtambal sila ng original niyang loveteam na si Kim Chiu, hanggang sa maipareha kay Bea Alonzo, Sarah Geronimo, Arci Munoz, Pia Wurtzbach – lahat ng pelikula na ang leading man ay si Gerald Anderson ay pawang kumita o blockbuster.

First time na magkaroon ng flop movie si Gerald at ito ‘yung kapapalabas pa lang na Between Maybes nila ni Julia Barretto.

Ayon pa sa nabasa na­ming reviews about the movie, wala namang mali sa pelikula at napakahusay daw ng acting ni Julia rito at maganda naman daw ‘yung story. At si Direk Jason Paul Laxamana ay magaling sa paggawa ng rom-com.

Sa madaling salita, walang following and walang chemistry ‘yung team-up nina Gerald at Julia kaya hindi ito tinangkilik.

Kaya nakakatawa ‘yung sinulat ng isang lady scribe sa kanyang column na baka magkaroon daw ng Part 2 ang Between Maybes. Lugi na nga ang Black Sheep Production na nag-produce ng movie, tapos magtatapon uli ng salapi? What’s the point?

 

 

229

Related posts

Leave a Comment