(NI RONALD M. RAFER)
“PAMILYA Ko” ang bagong teleserye ng ABS-CBN. Pangungunahan ito ni JM de Guzman at Arci Muñoz na nagpauna nang hindi sila mali-link dahil sabi ni Arci, “brother” niya ang mahusay na aktor. Sa magandang beauty-queen na si Alyssa Muhlach nali-link si JM na kasama rin sa teleserye. Mga sexy girls talaga ang type ni JM, ‘di ba Jessy Mendiola?
Ganado nga raw mag-report sa taping si JM dahil kay Alyssa na inspirasyon ngayon ng binata. May plano pa nga raw niyang gawan ito ng kanta. Paano na ang iba pang nali-link at umaasa sa kanya?
Natawa si JM. “Masarap ‘yung inspired ka, eh, especially katrabaho mo pa. ‘Yun pa lang ang masasabi ko ngayon.”
Kasama rin si Kiko Estrada sa kauna-unahan niyang teleserye sa Dos mula nang lumipat ito mula sa Siyete. Marami ang nagsasabi na mas magaling umarte si Kiko kaysa sa tatay niyang si Gary Estrada na hanggang ngayon ay isang “fiesta ham” (banong umarte). Si Devon Seron ang girlfriend ni Kiko ngayon pagkatapos ng “love affair” niya kay Kim Rodriguez at going strong ang relasyon nila.
“She’s my inspiration sa lahat ng ginagawa ko. Nakaka-happy lang dahil she’s always there for me. She is a wonderful woman,” sabi ni Kiko.
Magkapatid sina JM at Kiko sa serye at mga magulang nila sina Joey Marquez at Sylvia Sanchez. Mga anak din nila sina Maris Racal, Kira Balinger, Jairus Aquino, Mutya Orquia, Kid Yambao at Raikko Mateo.
###
Speaking of Maris Racal, sunud-sunod ang blessings niya ngayon. After “Pamilya Ko,” may I’m Ellenya L. siya na isa sa finalist sa 2019 PPP (Pista Ng Pelikulang Pilipino), na mapapanood na ngayong September plus ang isa pa niyang tinatapos na hopefully ay makapasok sa MMFF (Metro Manila Film Festival) 2019, ang Isa Pang Bahaghari where she plays the young Nora Aunor sa direksyon ni Joel Lamangan.
Sa I’m Ellenya L. ay katambal niya ang ex-boyfriend na si Iñigo Pascual. Wala namang naging problema nung ginagawa nila ang pelikula dahil magkaibigan naman sila.
“Mahirap pag wala kayong time sa isa’t isa. Isa sa mga dahilan ‘yun. Saka tanggap ko na mas pinili niya ang career niya (Iñigo) dahil mas gusto pa niyang sumikat internationally,” sabi ni Maris sa isang panayam sa kanya.
Inamin niyang Iñigo broke her heart pero naka-move on agad siya. After Iñigo, wala bang nagpaparamdam sa kanya?
“Wala naman. Hindi ‘yun ang priority ko,” sey pa rin niya.
Mukhang palaban na si Maris at parang iniwan na nito ang Maris na probinsyana noon na kimi at pangiti-ngiti lang. Kamakailan ay tumambad ang sexy photos. Marami ang nagulat dun. Parang sinasabi ni Maris na hindi na siya bata at may ipakikitang alindog. Nabulabog tuloy ang mga boys, huh!
Talbog! Pak na pak!
148