JOHN IWAS NA RIN NA MAKASAMA SI MYLENE SA SERYE

john12

SCENES(NI ROMMEL GONZALES)

HINDI naman nagdamot ng sagot si John Estrada sa tanong namin tungkol sa pagbabalik ni Mylene Dizon sa GMA.

“Sinabi nga sa akin ‘yun. May pamilya ‘yung tao. I mean, siyempre trabaho ‘yan, eh! I’m sure kailangan niya ng trabaho, di ba?”

February 2018 pumutok ang isyung nagkaroon ng gulo (na umabot diumano sa sampalan at sikmuraan) sa pagitan nina Mylene at John sa set ng “The Good Son” (ABS-CBN, first episode aired on September 2017).

Namatay ang karakter ni John sa naturang teleserye noong May 2018 at lumipat siya sa GMA. Napapanood si John ngayon sa “Kara Mia” nina Barbie Forteza at Mika dela Cruz. Si Mylene ay mapapanood sa “Sahaya” nina Bianca Umali at Miguel Tanfelix.

Ano ang una niyang reaksyon na nasa GMA na muli si Mylene?

“Artista rin lang po ako.”

Hindi niya hinarang ang pagbabalik ni Mylene sa GMA?

“Hindi… hindi po tayo ganun,” at tumawa si John. “Wala po tayong ganyan.

“I’m too blessed to do that.

“Hindi po tayo ganun.”

Paano kapag naisipan ng GMA na pagsamahin sila ni Mylene sa isang TV project?

“Huwag na siguro,” ang mabilis na sagot ni John.

Iyon ang ayaw niya?

“Hindi naman sa ayaw, pero huwag  na. Di ba? Andami naman diyan na puwede niyang makasama at puwede kong makasama, di ba?”

Bida si John sa The Last Interview: The Mayor Antonio Halili Story bilang alkalde ng Tanauan, Batangas na pinaslang noong July 2, 2018 sa flag-raising ceremony sa mismong harap ng munisipyo ng Tanauan. Showing na ito sa May 22.

Nasa pelikula rin sina Ara Mina bilang Gina Halili; Ceasar Soriano as himself; Michael Flores as Mark Halili; Phoebe Walker as Angeline Halili; JM Soriano, Martin Escudero, Kate Alejandrino, Zandra Summer, Yayo Aguila, Mon Confiado, Kenneth Paul Cruz, Noel Comia, Jr., Archie Adamos, Edwin Reyes, Mark Dionisio, Rion Sandoval at Kiko Matos.

 

GABBY CONCEPCION BALIK ROM-COM SA ‘LOVE YOU TWO’

 

Balik rom-com ang seasoned Kapuso actor na si Gabby Concepcion sa kanyang pinakabagong serye sa GMA na “Love You Two.”

Makakasama niya rito hindi lamang isa kundi dalawang naggagandahang leading ladies na sina Ultimate Star Jennylyn Mercado at Shaira Diaz.

Iikot ang kwento sa magkapatid na sina Raffy (Jennylyn) at Sam (Shaira) na magkakagusto sa iisang lalaki na si Jake (Gabby). Kaya biglang magiging komplikado ang relasyon ng mag-ate dahil magiging magkaribal sila sa puso ng kanilang ‘the one.’

Siguradong riot at puno ng kilig ang seryeng ito dahil bukod kina Jennylyn, Shaira at Gabby, makakasama rin sina Solenn Heussaff, Sheena Halili, Jerald Napoles, Nar Cabico, Clint Bondad, Yasser Mata at Kiray Celis.

Abangan ang “Love You Two” sa direksyon ni Irene Villamor soon on GMA!

 

95

Related posts

Leave a Comment