GUSTONG “ibugaw” ni Joross Gamboa sina Sandara Park at Alden Richards sa isa’t isa.
Close friend ni Joross si Sandara na kasabayan niya noon sa Star Circle Quest.
Naging matchmaker si Joross kina Sandara at Mario Maurer, pero hindi iyon umepek. Ngayong close si Joross kay Alden dahil sa pelikulang Hello, Love, Goodbye, naisip niyang i-match ito kay Sandara. 27-anyos si Alden. 34-anyos si Sandara, pero mukha pa rin daw itong 24.
EDDIE GARCIA, VETERAN STARS PARARANGALAN SA 3RD EDDYS
Ipagdiriwang ng 3rd Pista ng Pelikulang Pilipino (Setyembre 13-19) ang ika-100 Taon ng Pelikulang Pilipino.
Tatlo sa 10 full-length films ng 3rd PPP ay Sandaan Showcase. Bida sa mga pelikulang ito ang mga beteranong artista — living treasures of Filipino Cinema.
Ang 81-anyos na si Angie Ferro ang title-role sa Lola Igna. Ayaw niyang ngumiti sa picture dahil bungi siya.
Ang Queen of Visayan Movies na si Gloria Sevilla, pasiklab sa B&W movie na Pagbalik kasama ang anak na si Suzette Ranillo. Lifetime Achievement awardee si Gloria sa recent Gawad Urian.
Bida ang 94-anyos na si Anita Linda sa Circa. Si Anita ang pinakamatandang artista na aktibo pa sa local movie industry. Kasama sa cast ng Circa sina Eddie Garcia, Jaclyn Jose, Gina Alajar, Laurice Guillen, Elizabeth Oropesa, Ricky Davao at Enchong Dee.
Of course, itong tatlong Centennial films eh hindi masyadong komersyal, kaya limitado ang sinehan para sa kanila — malamang na 15 bawat isa, pero tiniyak ni FDCP Chair Liza Diño-Seguerra na hindi mapu-pull out ang mga ito sa loob ng isang linggo.
***
Iho-host ni Korina Sanchez-Roxas ang 3rd Eddys bukas (Linggo) nang 7pm sa New Frontier Theater, Araneta Center, QC. May special tribute kay Eddie Garcia, kaya sana’y dumalo rito ang kanyang mga kapamilya.
Bibigyan ng Icon Awards sina Amalia Fuentes, Tirso Cruz III, Christopher de Leon, Joseph Estrada, Eddie Gutierrez, Anita Linda, Dante Rivero, Celia Rodriguez, Vilma Santos, at Lorna Tolentino.
Nasa segment na “Parangal sa Sandaan” ang Sampaguita Pictures (represented by Marichu Vera Perez-Maceda), LVN Studios (Maroth de Leon), Premiere Productions (Digna Santiago), at sina Armida Siguion-Reyna (posthumous), Val Iglesias, Vic Delotavo, Romy Vitug, Romy Peralta, Lucy Quinto, Val Campbell, Rustica Carpio, Rosa Rosal, Tommy Abuel, Pepito Rodriguez, Perla Bautista, Lorli Villanueva, Robert Arevalo, Odette Khan at Tony Mabesa.
Andiyan din ang anim na special awards — Joe Quirino Award (Cristy Fermin), Manny Pichel Award (Ethel Ramos), Producer of the Year (Star Cinema), Rising Producers’ Circle (Spring Films at T-Rex Entertainment), Lifetime Achievement Award (Elwood Perez) at posthumous award para sa yumaong hari ng komedya na si Dolphy.
Ang 2019 EDDYS ay produced ng Echo Jham Entertainment Productions, sa direksyon ni Calvin Neria.
***
Nakrung-krung si Direk Jose Javier Reyes sa tsika na ang closing film ng 15th Cinemalaya indie filmfest ay ang pinagbibidahan ni Eugene Domingo na Ang Babae sa Septic Tank 3.
Artista si Direk Joey sa nasabing movie, at hindi niya masikmurang ipalalabas iyon sa malaking telon ng CCP. Digital movie kasi iyon na pang-iWant. Nakahinga nang maluwag si Direk Joey nang mabalitaang Mina-Anud na ang closing film ng Cinemalaya 2018. Tampok sa Mina-Anud sina Dennis Trillo, Jerald Napoles, Matteo Guidicelli, at Lou Veloso.
373