JUDY ANN SANTOS, CHEF SA BAGO NIYANG RESTAURANT

juday33

WHATTA MEL(NI MELL T. NAVARRO)

LAST July 8, 2019, after ko manood ng docu-dramang Laurel sa teatro ng De La Salle University sa Taft Ave., Manila, eh nagutom ang beauty ko.

Kasama si Jigs Ligot, naghanap kami ng makakainan. We were looking for something different na kahit may “presyo”, basta masarap. Tumawid kami ng Taft. Hanggang sa habang naglalakad kami, nakalanghap kami ng mabangong amoy – ADOBO!

Angrydobo ang pangalan ng resto, with address at 2456 Taft Avenue, Malate, Manila.  Ang daming kumakain.

Umorder kami ng pork belly adobo with laing on a hot pot, na winner! Nasa kalagitnaan na kami ng aming early dinner nang binanggit ng very friendly staff nito kung sino ang owner at chef ng Angrydobo: – si JUDY ANN SANTOS!

Nanlaki ang mga mata namin dahil alam ng showbiz na halos kami nina Judai ang magkaka-batch nung 1990s nang nagsimula siyang sumikat. Kami rin ang first ever publicist ng nasirang si Rico Yan, kaya lalo kaming naging close kay Judai na naka-loveteam ni Rico.

“Nasa taas po si Chef Judai!” say ng staff, kaya hindi na kami nahiyang ipasabi kay Judai na we were there. What a coincidence indeed, na ang owner-chef pala nito ay isa sa closest celebs namin at labs ng inyong lingkod, hindi man kami madalas magkita.

Kaya nung pagbaba niya ay mahigpit kaming nagyakapan, at umaatikabong chikahan.

“May 14, 2019 kami nag-soft opening ng resto na ito, passion talaga namin ni Ryan (Agoncillo, her hubby) ang magluto sa bahay. Dinala lang namin dito ang mga recipe naming ilang taon na naming niluluto sa house,” say ni Judai.

Hindi pa ito nagpu-full blast sa promo dahil iisa pa lang naman ang Angrydobo, doon nga sa Taft, Malate, sa mismong tapat ng DLSU na alma mater ni Ryan.  May plano silang sundan ito ng branch sa Alabang soon.

Ang Angrydobo Taft ay isang love adobo-themed resto, inspired by the reconciliation food shared ng mag-asawa after their “love fights.”  Ang specialties nila ay classic angrydobo, short ribs and sardines. “Noong 1990s, nagka-bar na rin kami ng Mommy ko, ‘yung Kilimanjaro at Carabana (late 1990s to early 2000s), pero dahil mga bata pa tayo noon, ang gusto lang naman natin halos ay uminom!” natatawang pag-throwback ni Judai.

Hands on ang Chef Judai, nakita mismo ng mga mata namin ang pag-supervise niya sa kitchen, na openly nakikita rin ng dining guests.  Of course, after our chikahan, pumila na sa kanya ang guests for photo op.

“Marami pa kaming dapat ayusin dahil wala pa nga kaming two months dito. Wala pa rin kaming take out for now.  Siyempre, sa ganitong negosyo, hindi rin biro.  May ilang criticisms pero hindi naman kami apektado doon dahil okey naman ang negosyo, masaya kami at maraming nagkakagusto ng menu namin. I’m very happy!” say ni Chef Judai, na may sariling online cooking show, ang “Judy Ann’s Kitchen” at may na-publish pa ngang book.

Congratulations for Angrydobo resto niyo, Mareng Judai!

 

212

Related posts

Leave a Comment