KASIKATAN NI KYLINE ALCANTARA, DAYA LANG DAW?

kyline

(NI PETER LEDESMA)

IN fairness, napag-usapan talaga si Kyline Alcantara sa performance niya sa “Kambal Karibal” bilang contravida ni Bianca Umali.

Pero itong nagtapos na “Inagaw Na Bituin” nila ni Therese Malvar, magmula umpisa hanggang sa ending ay kulelat sa ratings game! Nilampaso talaga ito to the max ng katapat na “Kadenang Ginto.”

At may movie pa na ipapalabas ang alaga ni Manny Valester! Ano ang ini-expect nila, magiging blockbuster ito? Eh, kung ‘yung movies na produced ng mga big movie outfit ay hindi maganda ang box office returns, ‘yung kay Kyline pa kaya na walang mabigat na supporting cast?

Eto pa… Kaya raw pinagkakaguluhan si Kyline sa kanyang mga mall show ay dahil dalawang bus ang hakot na fans ng kanyang manager at binabayaran daw bawat isa para sumigaw at magbigay ng bulaklak sa Kapuso young singer-actress? How true, how true?

GABBY, KINABOG SINA GOMA AT BINOE!­

Matindi pa rin talaga ang dating ni Gabby Concepcion hindi lang sa mga matrona, gayundin sa social media.

Wow, kapapalabas pa lang ng iniendorso nitong sinigang sa gabi ng Max Restaurant sa Facebook ay humamig na agad-agad ng 4 million views and still counting!

Maging ang mga kasabayan noong 80s stars na sina Mayor Richard Gomez at Robin Padilla ay walang binatbat kay Gabby sa lakas sa social media.

Kadalasan ay nasa 500K to 1.5 million views lang ang Facebook live nina Goma at Binoe.

Ano kayang meron si Gabby at malakas ang appeal nito sa mga netizen? Kasi may regular show siya sa GMA at saka looking young pa rin, unlike Richard na parang manong na probinsyano na ang dating.

  ###

Patuloy na ipinagmamalaki ni JC Garcia ang namayapang aktor na si Bino Garcia.

Tuwing dumarating ang June na birthday month ng namayapang ama na kilalang bida-kontrabida noong late 60s ay may munting selebrasyon si JC para rito.

At dahil in vogue ang social media ay ipino-post pa ni JC ang picture ng kanyang daddy Bino, na naging mabait at matulungin sa kapwa.

Gusto ng San Francisco based Pinoy singer na bukod sa buhayin ang legacy ng amang si Bino sa showbiz ay maging philanthropist din. Sa pamamagitan ng maliliit na paraan ay matagal na raw niya itong ginagawa.

By the way, excited na si JC na i-record ang English love song na sinulat ni Vehnee Saturno para sa kanya at magsisilbi niyang single. At once na matapos na ang recording nito – na ang target niya ay this year – ay magiging available na ito sa Spotify, Amazons, iTunes, atbp.

388

Related posts

Leave a Comment