KYLE INAABANGAN ANG APOLOGY SA PAGDURA KAY MAXINE

(NI LOURDES C. FABIAN)

Kylie Verzosa: Inaabangan ang apology niya sa pagdura kay Maxine Medina

KILALA na ng lahat ngayon kung sino ‘yung aktres na tinutukoy ni Dianne Medina na nandura sa kapwa niya aktres. Matatandaang noong Lunes ay inilabas ni Dianne ang nasabing blind item sa kanyang Facebook account:

“Da who itong artista na nandura sa kapwa artista na wala naman sa script. Girl, RESPECT pls. Minsan lang ako status. Girl, wag ang pamilya ko.”

Obvious sa post ni Dianne na imbiyerna siya sa aktres sa ginawang pagdura sa kanyang pinsan kahit wala sa script. Hindi na maitatanggi ngayon na may namumuo ngang gap sa pagitan ng dalawang beauty queens-turned-actresses na sina Maxine Medina at Kylie Verzosa.

Hindi na lang sa kanilang on-going afternoon serye na “Los Bastardos” sa ABS-CBN nag-aaway ang dalawang beauty queens dahil kasunod ng pagdura issue ay heto at nag-unfollow na sila sa isa’t isa sa kani-kanilang social media accounts.

Natural na si Maxine ang lumabas na underdog dahil siya ang naduraan at ang girlfriend ni Jake Cuenca na si Kylie ang kinaiinisan ng marami at sinasabing antipatika dahil ni hindi man lang daw na-sorry kay Maxine sa ginawa niya.

Hanggang sa mga oras na ito, Kylie has not answered the allegations against her. Nag-aabang ang lahat sa paghingi niya ng sorry sa nagawa niyang pagdura kay Maxine na sana naman ay nagawa niya dahil sa nadala siya sa sobrang intense ng eksena nila sa “Los Bastardos” kung saan sobra ang galit niya sa dalaga at sobrang inggit dahil siya ang mas mahal ni Jake at pinakasalan sa istorya ng kanilang teleserye.

Hindi maganda at kabastusan para sa marami ang ginawa ni Kylie kay Maxine at marami sa mga kapwa niya celebrities ang natatakot na tuloy ngayon na makatrabaho siya.

‘TABING ILOG,’ MAGKAKAROON NG ‘REUNION TELESERYE’?

MULI na namang pinag-usapan si John Lloyd Cruz sa social media sa paglabas ng mga bago niyang photos and videos online.

Muling naispatan ang magaling na aktor habang nag-i-enjoy sa kanyang nature trip and adventure na nakuhanan ng larawan sa waterfalls sa Cebu called Kawasan Falls.

Very obvious na pinananabikan pa rin talaga ng marami ang kanyang pagbabalik-showbiz. Magandang senyales ang pagsabak niya sa pagdidirek ng isang music video bilang parte ng kanyang comeback.

The good actor has been in showbiz hiatus for over a year now pero hanggang sa ngayon ay umaasa pa rin ang kanyang mga loyal supporters for his return soon after he recently appeared in several endorsement ads at ngayon nga ay heto at sumabak naman siya bilang director ng isang music video.

Ibinuko ni Baron Geisler na isa sa cast member ng isa sa most notable and well-loved projects of 90’s teen drama series na “Tabing Ilog” na plano ni Direk Malu Sevilla na gumawa ng reunion series or movie ng nasabing serye. Tatanggapin lang ni Baron ang project kung si John Lloyd pa rin ang makakasama niya sa show.

“Game ako diyan, but we need John Lloyd for this to make it work,” sabi ni Baron. Isa si Baron sa sobrang nakaka-miss at umaasa sa pagbabalik ni John Lloyd.  “Nami-miss na kita, Lloydie man, I miss you, man. I hope to work with you soon. Balik ka na. Kailangan ka ng industriya, pare.” Kabilang din sa “Tabing Ilog” cast sina Paula Peralejo, Patrick Garcia, Jodi Sta. Maria, Paolo Contis, Desiree del Valle at Kaye Abad.

 

218

Related posts

Leave a Comment