(NI BOY ABUNDA)
KAHIT malakas kumain ay kapansin-pansin pa rin ang magandang pangangatawan ni Maja Salavador. Ayon sa aktres ay malaking bagay ang kanyang ginagawang pagsasayaw upang mapanatiling maganda ang katawan.
“Siguro dahil blessing na ‘yung nagsasayaw ako. Pero ako, I’m not very happy or comfortable now. Kasi hindi ito ‘yung usual weight ko, siyempre galing bakasyon di ba? Nando’n ako sa ‘pag napi-feel ko na parang I’m not happy sa weight ko, nando’n ‘yung nag-e-exercise na ako, control na the food, ganyan. But sobrang pagod ko sa taping, minsan napa-pack-up ako ng 2 or 3 AM. So may mga 24 hours na drive thru, or magpapa-deliver ka as in ‘yung super meal,” nakangiting pahayag ni Maja.
Titigil lamang umano ang aktres sa pagkain nang marami kapag may mga taong napupuna na ang kanyang timbang.
“Hangga’t hindi ako sinasabihan na, ‘Parang lumaki ka,’ hindi ako mag-stop kumain. Enjoy ako sa food, foodie ako. Sobrang kain nang kain. Hindi ko ide-deprive ‘yung sarili ko. Tapos kapag napi-feel ko na parang magpe-perform ako, may concert ako, as concerned pa ako ‘yung sa stamina. Kailangan kong sanayin, do’n ako paulit-ulit sa rehearsals,” dagdag pa ng dalaga.
Samantala, malaking tulong kay Maja ang kasintahang si Rambo Nuñez pagdating sa pangangalaga ng pera. Pinayuhan daw ng binata ang aktres na kailangan nitong makapagbakasyon paminsan-minsan kapag mayroong pagkakataon.
“Yes, sobra. Siguro even if I have extra (money), parang make it worth pa rin. Gawin mong worth pa rin ‘yung pupuntahan ng extra money mo, which is travel. Parehas kaming mahilig mag-travel din. Iba ‘yung extra money namin na as in todo sa food nilalagay. Ayoko naman na mag-into details kasi personal na pero ang laki nang naitutulong niya sa akin,” pagbabahagi ng aktres.-Reports from JCC-
160