MAXENE NAKABABAHALA ANG KAPAYATAN!

rey pumaloy(NI REY PUMALOY)

NABABAHALA ang mga fans at supporters ni Maxene Magalona sa pagbagsak ng kanyang katawan.

Kumpara sa dati na nitong slim figure, mas pumayat pa nang husto ngayon si Maxene, base sa photos niya sa social media. Lagi siyang nagpo-poste ng mga bikini shots niya na nagpapakita ng kanyang katawan.

Dahil nga sa patuloy na pagbagsak ng pigura ng aktres, hindi maiwasang magtanong at kumustahin ang health condition ng Kapa­milya star, kung okey pa ba ang estado ng kalusugan nito.

Nakikita rin kasi ang panlalalim ng mga mata ni Maxene at pangingitim ng eyebags nito, na siyang nagpapabahala sa kanyang mga supporters sa estado ng aktres.

Pero sa latest post ni Maxene kung saan naka-two-piece light color bikini suit siya, sinabi nito sa caption na maayos ang kanyang kalagayan. Naka-hashtag pa ang “yoga” sa caption na siyang kinababaliwang exercise ni Maxene at ng kanyang asawang si Rob Mananquil.

Ipinaramdam ni Maxene sa mga nagmamalasakit sa kanya na wala silang dapat alalahanin dahil okay ang kanyang health condition.

 

270

Related posts

Leave a Comment