MAYOR GOMA AT REP. LUCY, KINO-CONSIDER ANG IN VITRO FERTILIZATION

goma33

olea(NI JERRY OLEA)

OPEN ba sina Ormoc City Mayor Richard Gomez at Representative Lucy Torres-Gomez na masundan ang kanilang anak sa tulong ng scientific methods?

“Iyon na nga, e,” pakli ng 53-anyos na si Mayor Goma. “Actually, just recently, I told Lucy, ‘What about the idea of freezing our sperm cells and egg cells, just in case, one day, we want another baby?’

“Open naman siya sa idea na ‘yon.”

Wala raw conflict ang IVF (in vitro fertilization) sa religious belief ni Ma’am Lucy.

Paglilinaw ni Mayor Goma, “Ang ayaw lang niya kasi, doon sa idea na IVF, na if you want to bear a child, you have to fertilize at least mga 5 eggs.

“Tapos, pipiliin mo ‘yung pinakamalakas. Tapos, ika-cull mo na iyong maiiwan. Iyon ang ayaw niya.”

If ever, si Ma’am Lucy (who’s now 43) mismo ang magdadala ng baby sa kanyang sinapupunan.

“I’m sure she wants to carry it. Ayoko kasi ng surrogate mother,” matatas na lahad ni Mayor Goma.

“Kasi, alam mo, ‘yung blood transfusion nga lang, coming from another person, meron kang mapi-pick up from that person.

“What more if the child grows in another person? So, a lot of the traits ng bata, makukuha niya from the surrogate.”

Sa probinsya na nakabase si Goma bilang mayor ng Ormoc City. Si Ma’am Lucy, sa Kamaynilaan nakabase bilang congresswoman.

Mahirap makabuo sa natural na pamamaraan kung may distansya sa kanilang pagitan.

Napangiti si Mayor Goma, “Alam mo naman… kanya-kanyang paraan ‘yan. Uwi-uwi ka lang! Ha! Ha! Ha! Ha!”

 

136

Related posts

Leave a Comment