AGOSTO 7, Miyerkoles, nag-open ang pelikulang Indak na pinagbibidahan nina Nadine Lustre at Sam Concepcion. Ayon sa reports, nakakapanlumo ang sinapit ng pelikula, dahil sa second day nito, bumaba pa ng 35% ang kinita nito kumpara sa first day.
Isang linggo bago mag-open ang Indak, nag-open naman ang Hello, Love, Goodbye nina Kathryn Bernardo at Alden Richards.
Naging big hit ito at hanggang ngayon ay palabas pa rin nationwide. Hindi man binanggit kung magkano ang kinita ng Indak, sinasabing mukhang mahihirapan itong maka-P10 million sa buong run nito.
337