PAALAM NA SA ATING INDIE KING

king5

(NI KC GUERRERO)

Kung pumuwede kaya si Kristoffer King para sa pelikula ni Direk Bong Ramos, tumaas kaya ang caliber ng acting ng mga co-stars  sa magic realism movie na pinagbidahan ni Althea Vega at ably supported nina Paolo Paraiso, Orlando Sol, Marco Morales at Kiro Baldemor? Andun din ang bff ni Hari (nickname ni Kristoffer) na si Julio Diaz at ang singer-actress na si Malu Barry. That was nine years ago.

In demand sa indie films si King kaya “Indie King” ang tawag namin.

Kung Hari ng TV at pelikula ang bff ni Kristoffer na si Coco Martin, si KK ang pwede talagang tawaging Indie King.

Nakabibilib ang acting ni Kristoffer King. Ayon na rin ‘yan sa mga  nakasama niya sa mga indie films na kinabilangan niya.

Si Julio na sa Bulacan Provincial Jail ay puro papuri ang binitawan na mga salita para kay King. Mabait. Matulungin.Magaling.

“Tinalbugan ang akting ko,” ani pa ni  Julio sa one-on-one namin sa kanya sa loob ng provincial jail.

Nagpapatotoo sa galing  ni King ay ang nakasama niya sa award-winning Serbis (2008, directed by Brillante Mendoza) at pati na longest running action drama series na “FPJ’s Ang Probinsiyano.”

Ang  tumalo kay Coco sa Cinemalaya bilang Best Actor ay si Kristoffer King.

Aminado si Hari na isa siyang “Bayarang Adonis.”

‘Yan ang titulo ng episode ng talambuhay niya sa GMA-7’s “Magpakailanman” hosted by Mel Tiangco.

Kahit naging controversial siya dahil sa marami ang naging apektado sa “recidivist attitude” niyang now-you-see-me-now-you-dont” sa shoots and tapings.

Nakasanayan na lang ng industriya ang kanyang attitude. Magaling talaga kaya kahit malaki ang chance na mabitin ang shooting, sumusugal ang mga producers at directors.

Hindi puwedeng ilibing sa kawalan ang tulad niya.

No inhibitions. Binibigay lahat. Lahat-lahat na requirements/kailanganng eksena.

Napapanganga na lang ang mga kaeksena. Pati ang mga directors mismo.

Ngayong araw ay interment ni Kristoffer.

PAALAM, INDIE KING.

Sagot ni Coco at namin ang mga naiwan mo.

Di ka namin kalilimutan.

 

14

Related posts

Leave a Comment