PIOLO, SHAINA NAGKABALIKAN SA CANNES?

pioloshaina12

(NI REY PUMALOY)

MULING  pinakilig nina Piolo Pascual at Shaina Magdayao ang mga umaasang magkaka­balikan ang dalawa at mauuwi na sa kasalan ang kanilang la­ging aandap-andap na relasyon.

Sa Instagram post ni Piolo sa pagdalo nila sa Cannes Film Festival para sa pelikula ni Direk Lav Diaz, Ang Paghupa o Halt, makikita ang ilang larawan na magkasama sila ni Shaina. Magkahawak ang kamay.

Aakalain ng sinumang makakakita ng photos na nagkabalikan ang dalawa sa Cannes.

Mukha naman kasing tamis-tamisan sa isa’t isa ang dalawang Kapamilya stars.

Pero wala pa namang paramdam o statement mula sa dalawa tungkol sa kanilang estado. Ito ang dahilan kung bakit wala pa mang official statement ay kinilig na ang followers ng aktor, na nangangarap na magkaroon na siya ng lovelife o asawa.

221

Related posts

Leave a Comment