SA RAMI NG BUMESO; BUHOK NG TV PERSONALITY BUMIGAY

blind item12

olea(NI JERRY OLEA)

BONGGACIOUS ang isang gathering recently, kung saan literal na nagkikislapan ang dumalong stars and starlets. Ang sikat na sikat na TV/movie perso­nality ang pinakamaningning sa mga panauhin, kuntodo squad ng bekibelles.

Grand entrance!

Sa rami nang bumabati at bumebeso sa super-sikat na celebrity, bumigay ang kanyang buhok.

Lumabas siya ng ballroom at nagkukumahog ang kanyang glam team sa pag-aayos ng kanyang hairstyle.

      ###

Fabulous ang pag-iiwasan ng ex-lovers na aktor at aktres sa naturang pagtitipon. Kasama ng aktres ang dyowa niyang powerful at yayamanin. Lagi silang nasa opposite side kung saan nakapuwesto ang pogilicious yummylicious actor. Perfect ang blocking?!

Samantala, isang guwapitong singer-actor at equally bortalicious na banyagang modelo ang hindi mapaghiwalay. Sila na ba? O nagtitikiman lang?

Ang guwapitong singer-actor ay mapaglaro, at minahal minsan ng isang klosetang aktor na may Midas touch sa negosyo.

Ang bortalicious na banyagang modelo ay mabuting kaibigan ng isang scandalicious actor na eksperto sa French kiss.

Ang nakakalokah, hindi ba’t ang guwapitong singer-actor ay naka-bonding na rin ng scandalicious actor?

###

Natapos na ang principal photography ng launching movie ni Kyline Alcantara na Black Lipstick, kung saan leading men niya sina Migo Adecer at Manolo Pedrosa.

“Sobrang saya po at natapos na rin ‘yung shooting, pero meron pa pong dubbing, color grading, lilinisin,” nakangiting lahad ni Kyline.

“Komportable po ako sa dalawang leading men ko, kaibigan ko rin sila. So, ang sarap sa pakiramdam na makatrabaho sila.”

Ang Black Lipstick ay millennial version ng Blusang Itim. Gumaganap dito bilang nanay ni Kyline si Snooky Serna.

Si Kyline ang online host ng “Inside StarStruck,” na napapanood sa YouTube channel ng “StarStruck” mula Lunes hanggang Biyernes, 6pm.

Mag-uumpisa ang 7th Season ng “StarStruck” ngayong Sabado night.

###

BLACK carpet ang premiere ng horror movie na Clarita, na pinagbidahan ni Jodi Sta. Maria. Sabi-sabi, naka-P7M ito noong opening day, June 12. Lumalaban daw ito kahit paano sa Men In Black: International.

PINK carpet naman ang premiere night ng comedy movie na Feelennial (Feeling Millennial) sa Lunes sa SM MegaMall. Bida rito sina Ai-Ai delas Alas at Bayani Agbayani.

I wonder, magkakaroon din kaya ng premiere night na RAINBOW ang carpet?

###

Pararangalan ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) si Anita Linda sa Linggo, 2pm  sa Cinematheque Centre Manila.

Ang event ay tinawag na “Sandaan: Dunong ng Isang Ina” kung saan pagkakalooban ang 94-anyos na aktres ng achievement award para sa mga kontribusyon niya sa film industry.

Tampok din dito ang “The Life of Anita Linda: An Exhibit” kaugnay sa iba’t ibang yugto sa buhay ni Anita Linda bilang artista.

“Anita Linda is truly a legend in the industry, and she has helped mold Philippine cinema through her contributions over the decades,” sabi ni FDCP Chairperson & CEO Liza Diño.

“Not only her many roles over the years, but also her guidance and mentorship behind the camera have empowered women and have given them the voice that promotes strength, grace, and compassion.”

126

Related posts

Leave a Comment