SUE RAMIREZ NEVER PA NAG-BORACAY O PALAWAN

SUE RAMIREZ12

SCENES(NI ROMMEL GONZALES)

MARAMI ang pumupuri sa mga sexy photos ni Sue Ramirez sa kanyang Instagram account.

Matindi siguro ang kanyang diet at workout regimen kaya slim and fit ang Kapamilya star.

“Wala nga eh. Kain nga ako ng kain, eh,” at tumawa si Sue.

“Ang sekreto po dito ay anggulo! Iyon talaga ang pinakamalaking factor. Kailangan, magaling yung photographer.”

Napupuri rin ang beach shots ni Sue at ang kuwento niya…

“Hometown po ng mommy ko ang Sipalay City in Negros Occidental. Never pa akong nakapunta sa Boracay, never pa akong nag-Palawan, kasi everytime that I get the chance to go to the beach, I go to my mom’s hometown.”

Gaganap si Sue bilang si Shine Mapalad sa Sunshine Family (palabas na sa June 5). Kasama rin sina  Shamaine Buencamino, Nonie Buencamino, at Marco Masa (as Max Mapalad). Produced by Spring Films/FILM LINE Pictures Productions LTD, ito ay sa direksyon ni Kim Tai-Sik.

Bahagi ng kuwento ng pelikula ay naka-hit-and-run ang ama ni Shine at ang kasintahan niya ay isang pulis!

“Eh, sa Korea meron silang death penalty! So iyon ‘yung conflict sa utak ko: Sasabihin ko ba sa boyfriend ko na nakapatay ang tatay ko or uunahin ang pamilya?”

    ###

Iba ang bonding nina Miguel Tanfelix at Bianca Umali sa “Sahaya” ng GMA at iba rin ang bonding sa paggawa nila ng pelikulang Banal. May nadiskubre pa ba si Miguel kay Bianca sa shooting ng pelikula?

“Hindi siya maarte! Kasi may mga scenes  dun na basang-basa kami tapos  hindi muna kami magpapalit ng damit kasi sa next setup, basa ulit kami. Kaya alam mo ‘yung hindi siya yung tao na magrereklamo,” kwento ni Miguel.

First horror film ni Miguel ang Banal.

“Willing akong mag-horror film ulit kasi  exciting siya! Siguro, yung next ko mas kakaiba siya. Siguro, feeling ko about mga sapi naman. Kasi na-try na namin sa ‘Kambal, Karibal,’ eh.”

Sa Banal (palabas ngayon sa mga sinehan), co-stars nila sina Taki Saito, Kim Last at ang nag-iisang Kapamilya sa cast, si Andrea Brillantes. Mula ito sa APT Entertainment, Inc.

Sa Banal, nagsimula ang kuwento sa adventure ng magkakabarkada. Sa tunay na buhay, ano na ang pinaka-adventurous na bagay na ang ginawa ni Miguel?

“Siguro ito yung ‘pag nag-a-out-of-the-country ako, ako lang mag-isa, eh. So, adventure talaga ‘yun kasi wala akong kakilala dun.”

Hindi siya natakot?

“Natatakot! Siyempre, part ng experience ‘yun. Hindi mo alam kung ano ang mangyayari. Iyon ang nagpapa-interesting sa trips ko kasi thrilling siya and at the same time bini-break ko yung comfort zone ko.”

 

 

229

Related posts

Leave a Comment